October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, nag-react sa komentong mas magaling siya kay Boy Abunda

Ogie Diaz, nag-react sa komentong mas magaling siya kay Boy Abunda
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Boy Abunda (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay sa komento ng mga netizen na mas magaling daw siyang mag-interview kaysa kay Asia’s King of Talk Boy Abunda.

Sa X post ni Ogie kamakailan, nagpasalamat siya sa mga nagkagusto sa paraan niya ng pakikipanayam pero sinabi rin niyang huwag sana siyang ikumpara kay Boy.

Ayon sa showbiz insider: “Salamat po sa mga nakagusto ng paraan ko ng pag-interbyu. Pero wag nyo po ako ikumpara kay Kuya Boy Abunda. ”

“Marami pa po akong kakaining bigas para lang makapantay kay Kuya Boy. Pangarap ko ding maka-Ingles nang diretso, hahaha! Kaya dinadaan ko na lang sa pakikinig sa guest,” dugtong pa niya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Ogie. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"Napakagaling nyo po. Natural yung flow ng conversation. Walang sapaw."

"Si Ogie kc hinahayaan niyang magsalita ng magsalita ang ini-interview di kina cut or sinisingit sarili nya"

"Di mo na kailangan mag English, Pinoy naman ang nga audience mo. Okay na okay yung Tagalog."

"King of LISTENING k mama @ogiediaz, ung isa TALK tlg ng TALK literally"

"Dapat po kasi bida ang ini-interview. Hindi pa bida yung nag iinterview."

"I don't compare you to Boy Abunda. You two have different styles. Mas gusto ko lang yung style mo. Taong tao ang dating hindi pasosyal. Jologs po kasi kami"

"Boy Abunda does not interview. He just overtalks."

Nagsulputan ang mga komentong ito matapos kapanayamin ni Ogie ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Matatandaang pati ang anak nitong si Bimby ay naghayag din ng paghanga kay Ogie.

Samantala, wala pang pahayag o reaksiyon si Boy kaugnay sa pagkukumparang ito ng mga netizen sa kanila ni Ogie.

MAKI-BALITA: Bimby, babalik na sa Manila para mag-aral

MAKI-BALITA: Gumagaling na? Kris Aquino, binabalak nang umuwi sa Pinas