July 07, 2024

Home FEATURES Human-Interest

SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024

SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024
Photo courtesy: Mari Gimenez/UNSPLASH

Umabot sa apat na lotto bettors ang nagwagi sa mga major lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong buwan ng Hunyo 2024.

Ang major lotto games ng PCSO ay ang Ultra Lotto 6/58, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45, at Lotto 6/42. 

Ang pinakamalaking napanalunan nitong buwan ng Hunyo ay pumalo sa ₱150 milyon mula sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa PCSO, naiuwi ng lone bettor mula sa Quezon province ang ₱150,307,791.20 premyo na may winning combination na 08-24-15-44-04-58, na binola nitong Hunyo 21. 

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024

Malaki rin ang tinamaan ng lone bettor sa Lotto 6/42 kung saan matagumpay nitong nahulaan ang winning combination na 40-11-25-07-27-30 na may katumbas na premyong ₱70,440,258.20. Binola ito ng PCSO nitong Hunyo 22. 

SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024

Bukod dito, dalawa naman ang nanalo sa Mega Lotto 6.45. Ang isa ay nanalo ng ₱33,595,070.80 matapos mahulaan ang winning numbers na 07-40-25-08-30-39 na binola noong Hunyo 12, 2024.

Nasa ₱20,388,114.80 naman ang napanalunan ng ikalawang nanalo sa naturang lotto game nang bolahin ng PCSO nitong Hunyo 26. Nahulaan niya ang winning numbers na 01-26-30-13-06-28.

SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024

Samantala, wala namang nanalo sa Super Lotto at Grand Lotto nitong Hunyo.

SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024
SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024