January 22, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Norte nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:31 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.