January 22, 2025

Home BALITA National

ITCZ, easterlies, patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng bansa

ITCZ, easterlies, patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Hulyo 4.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Palawan dahil sa ITCZ, at maging ang Caraga at Davao Region dahil naman sa easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, maaari namang magkaroon ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas bunsod ng easterlies.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms fin ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dulot naman ng localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga naturang lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms. 

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).