July 06, 2024

Home SHOWBIZ

Maymay, pinasalamatan pinsang nakapagtapos ng kolehiyo

Maymay, pinasalamatan pinsang nakapagtapos ng kolehiyo
Photo Courtesy: Maymay Entrata (IG)

Lubos ang pasasalamat ng Kapamilya actress-model na si Maymay Entrata sa kaniyang pinsang si Bray na nakapagtapos na ng kolehiyo.

Sa latest Instagram post ni Maymay nitong Martes, Hulyo 2, binalikan niya ang kaniyang hiling sa tatlo niyang pinsan siyam na taon ang nakalilipas.

Ayon kay Maymay: “9 years ago I asked my 3 cousins/anak na to help me to break the cycle na walang naka graduate ng University sa pamilya namin.

“Thank you bray hindi mo sinayang lahat ng pagsisikap ko sa trabaho para mapag aral ko kayo. Lagi mo tinatanong kung ano ang gusto kong sukli sa sakripisyong pag pili kong buhayin kayo magkakapatid,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Dagdag pa niya, wala raw obligasyon si Bray na suklian nito ang tulong na ibinigay niya dahil mahal niya ito nang walang hinihinging kapalit.

“Makita ko lang na matupad nyo ang mga pangarap nyo at kaya nyo nang tumayo sa mga sarili nyong mga paa ay sobra pa sa kayaman na meron dito sa mundo bray,” sabi pa niya.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Maymay. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sarap tlaga sa paki Ramdam n may napag tapos ka sa pag sisikap mo, I feel it nung nka graduate din bunso nmin sa college Congrats Japs"

"God bless you MayMay hopefully someday ikaw rin ay Maka graduate din sa college "

"Proud kami na ikaw ang minahal at sinuportahan namin, alam mo yan."

"Wow congratulations! "

"Grabe this is so pure! "

"Hindi madali ang mag-aral at magtapos at lalo ng hindi madqli ang magpa-aral at magpatapos, kaya nakaka-proud kayong dalawa. Congrats!"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito umabot na sa mahigit 133k ang likes ng naturang post ni Maymay.