July 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bianca Umali, handa nang magpakasal kay Ruru Madrid?

Bianca Umali, handa nang magpakasal kay Ruru Madrid?
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT)

Naitanong sa celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang tungkol sa pagpapakasal nang rumampa ang huli sa isang bridal fashion show.

Hindi naman nakapagtatakang mausisa ang dalawa tungkol sa plano nilang lumagay sa tahimik dahil halos anim na taon na silang magkarelasyon.

Kaya sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kamakailan, tila confident si Bianca na sa kasalan mauuwi ang relasyon nila ni Ruru.

"Alam ko na ikakasal ako and bubuo ako ng pamilya ko. I am lucky na I have already chosen the person that I do want to marry," saad ni Bianca.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie, Jak nawalan ng quality time dahil sa BarDa?

Ayon naman kay Ruru: “Kusa na lang mararamdaman ‘yan. Hindi natin masasabi kung kailan pero alam kong malapit na.”

Matatandaang kamakailan ay naitanong naman kina Bianca at Ruru ang tungkol sa pagli-live in nang sumalang sila sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Hunyo.

MAKI-BALITA: 'Di aprub sa relihiyon: Pagli-live in, wala sa isip nina Bianca at Ruru