July 08, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, sinita pagsayaw ni Jackie Gonzaga sa disco

Vice Ganda, sinita pagsayaw ni Jackie Gonzaga sa disco
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Tila hindi raw nagustuhan ni Unkabogable star Vice Ganda ang viral video ng kaniyang “It’s Showtime” co-host at alagang si Jackie Gonzaga.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, pinag-usapan ang umano’y paninita ni Vice Ganda kay Jackie sa isang segment ng naturang noontime show dahil sa viral video nito habang sumasayaw sa isang disco sa saliw ng kantang “Make Me Sweat” ni Kat DeLuna.

“Naging tampulan ng tukso si Jackie sa isang segment nila sa ‘It’s Showtime’ na parang ang lumalabas do’n na parang pinagalitan or pinangaralan, pinagsabihan ni Vice Ganda si Jackie,” saad ni Ogie.

“Tama naman si Jackie sa kaniyang sayaw. Siguro ang iniisip ng mga tao like sa mga comment section, di ba? Matatagpuan mo do’n ‘yong mga komentong kaya raw siya hiniwalayan ni Tom Doromal,” wika niya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Dagdag pa niya: “Pagkatapos daw makipaghiwalay, ayun na, parang nagwawala na si Jackie. Hindi ba pwedeng ini-enjoy lang ni Jackie ang pagiging single—kung single man siya, ha.”

Pero sa pananaw ni Ogie—anoman ang mga negatibong komento ng mga tao—tila isang magandang bagay daw na nag-viral ang video ni Jackie.

Ayon sa showbiz insider: “Bilang matagal na ako dito sa industriya, para ma-viral nang gano’n si Jackie, malakas ang dating niya. Noon lang sa kaniya ito nakita ng mga tao kaya siya na-viral.”

“Ang nakakaloka nito, kung hindi na-viral. Ibig sabihin, walang dating si Jackie. Ito lang nagpapatotoo na malakas ang dating ni Jackie,” dugtong pa niya.

Samantala, wala naman daw nakikitang mali si Ogie sa ginawang pagsita umano ni Vice Ganda kay Jackie dahil baka raw gusto nito na ibang direksyon ang tahakin ng huli. 

Manager kasi ni Jackie ang Unkabogable star. At magkakaiba raw talaga ang plano ng mga manager para sa alaga nilang artista. 

Matatandaang si Jackie ay nagsimula bilang backup dancer sa “It’s Showtime” at kalaunan ay nakilala bilang si “Ate Girl.”