July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rob Gomez at Jane De Leon, magkasamang kumain ng ramen sa Taiwan

Rob Gomez at Jane De Leon, magkasamang kumain ng ramen sa Taiwan
Photo courtesy: Screenshot from Jane De Leon (IG)

Palaisipan sa mga netizen kung bakit magkasama sina Kapuso actor Rob Gomez at Kapamilya actress Jane De Leon sa Taiwan.

Nabuking ito nang sumilip si Rob sa video ni Jane habang kumakain ng ramen.

"Finally! Had a chance to try ICHIRAN for the first time. It’s a 10 for me! " caption dito ni Jane.

J A N E (@imjanedeleon) • Instagram photos and videos

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Ang Ichiran ay isang sikat na Japanese ramen restaurant, na marahil ay may branch sa Taipei, Taiwan batay sa location ng Instagram post ni "Darna."

Kaya naman, dinagsa ang comment section ng post ni Jane sa mga nagtatanong kung bakit magkasama sila ni Rob.

"Si Rob G. ba yun??? "

"Ay may bagong kakainin si Rob haha."

"juiceko jane d mo nmn cguro ka level c hipon para pumatol sa nambubugbog ng kalive no"

"Maryosep Jane, mag isip ka."

"Lakas ni Orb!"

"Anong meron bakit magkasama sila?"

"Close pala sila?"

"Cancelledt na basta friend ni Rob Gomez "

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o pahayag sina Rob at Jane patungkol sa mga tanong ng netizens.