December 22, 2024

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, alam kung nasaan si Pastor Quiboloy: 'Pero secret!'

Ex-Pres. Duterte, alam kung nasaan si Pastor Quiboloy: 'Pero secret!'
Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apollo Quiboloy (file photo)

Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alam niya kung nasaan ang kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy, ngunit “secret” lang daw ito.

“Kung tanungin mo kung nasaan si Pastor, alam ko,” ani Duterte sa isang press conference sa Tacloban City nitong Linggo, Hunyo 30.

“Ah, sasabihin ko sa inyo ngayon kung nasaan siya? Alam ko kung nasaan si Pastor… pero secret,” tila pabirong dagdag pa niya.

Si Duterte ang kasalukuyang administrator ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Quiboloy.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinalaga bilang property administrator ng KOJC ni Quiboloy

Matatandaang noong Hunyo 10, 2024, ay nagtungo ang mahigit 100 pulis sa compound ng KOJC sa Davao City upang isilbi ang warrants of arrest ni Quiboloy na inisyu ng Pasig City court para umano sa mga kasong qualified human trafficking cases na isinampa laban sa kaniya at sa limang iba pa.

Sa kabila nito, hindi nila nakita ang pastor at ang abogado nito ang tanging tumanggap ng nasabing warrant.

MAKI-BALITA: Mahigit 100 pulis, pinasok KOJC compound para sa warrants ni Quiboloy

Samantala, kinondena kamakailan ni Duterte ang naturang pag-raid ng pulisya at iginiit na gumamit umano ang mga ito ng "excessive force" sa pagsisilbing ng arrest warrants.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, kinondena ‘excessive force’ ng pulisya para isilbi warrants ni Quiboloy

KAUGNAY NA BALITA: PNP Chief sa ‘pagkaso’ sa mga pulis dahil kay Quiboloy: ‘Hindi kami natatakot’

Bukod naman sa mga kaso ng qualified human trafficking, nahaharap din ang pastor sa mga kasong child at sexual abuse sa Davao City.