July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI bagong asset at 'money maker' daw ng ABS-CBN

BINI bagong asset at 'money maker' daw ng ABS-CBN
Photo courtesy: BINI (FB) via ABS-CBN News

Matagumpay ang three-day concert ng sikat na all-female Pinoy Pop group ng ABS-CBN at maging sa buong bansa, ang BINI, na tinawag na "BINIverse" sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Dagsa ang mga dumalong "Blooms" o tawag sa fans ng tinaguriang "Nation's Girl Group" upang saksihan ang performances ng grupo at paghighlight sa kanila individually.

Ang grupo ay kinabibilangan ng walong binibini na sina Jhoanna, Gwen, Aiah, Mikha, Maloi, Sheena, Colet, at Stacey. Bago ang kanilang opisyal na debut noong Enero 2021, mahaba at puspusang pagsasanay muna ang pinagdaaan ng mga miyembro sa Star Hunt Academy. Mula sa pagpapahusay ng kanilang talento hanggang sa mahigpit na disiplina sa pagda-diet.

MAKI-BALITA: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Makalipas ang ilang taon, hindi makapaniwala ang BINI na magbubunga ang kanilang mga sakripisyo at pagsisikap. Sikat na sikat sila sa social media lalo na sa TikTok, nasa top chart ang kanilang mga awitin sa Spotify. kinukuha na sila sa endorsements, in-demand sa out of town shows at events, at talagang sold-out ang concert.

Dahil nga dito, inanunsyo na ang "Grand BINIverse" sa Oktubre, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kaya naman sa X, sinabi ng mga netizen na ang asset at "money maker" daw ngayon ng ABS-CBN, hanggang sa mga susunod, kung hindi pababayaan, ay ang BINI.

Wish ng mga netizen, sana raw ay alagaan pa ng management ang grupo at huwag hayaang magkaroon ng "attitude" na puwedeng makapagpabagsak sa kanila.