December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kampo ni Bea Alonzo, pinabulaanan mga paratang ng dating driver

Kampo ni Bea Alonzo, pinabulaanan mga paratang ng dating driver
Photo Courtesy: Bea Alonzo (FB), Freepik

Itinanggi raw ng kampo ni Kapuso star Bea Alonzo ang mga paratang sa kaniya ng dati niyang driver na si Efren delos Reyes.

Ayon sa ulat ng News 5 nitong Sabado, Hunyo 29, sinabi ng abogado ni Bea na si Atty. Joey Garcia na nagsilbi lang umanong service driver si delos Reyes sa maikling panahon.

“Mr. [Efren] delos Reyes only served as service driver of the family and only for a short period of three months,” pahayag ni Garcia.

“He was not even assigned as Bea's [Alonzo] personal driver, for her professional engagements. Thus, his claims seem farfetched, unreasonable, if not unrealistic,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng abogado ng aktres: “It's nothing but a pure harassment case, a desperate attempt to sponge off, an obvious act capitalizing on the criminal case.”

Matatandaang iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa pagdedemanda ng dating driver ni Bea sa programa niyang “Cristy Ferminute.”

MAKI-BALITA: Sitsit ni Cristy: Bea, idinemanda ng dati niyang driver