July 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Vice Ganda, mas nauna pang malamang engaged na si Ryan kaysa sa parents

Vice Ganda, mas nauna pang malamang engaged na si Ryan kaysa sa parents
Photo courtesy: Screenshots from It's Showtime (YouTube channel)

Naging emosyunal si Unkabogable Star Vice Ganda sa June 29 episode ng noontime show na "It's Showtime" matapos pag-usapan ang engagement ng isa sa mga host at anak-anakang si Ryan Bang, sa fiancee nitong si Paola Huy-ong.

Emosyunal din si Ryan nang ikuwentong si Vice Ganda ang unang nakaalam na nakuha na niya ang matamis na oo ni Paola, kaysa sa mismong mga magulang niya.

Agad daw silang nag-FaceTime at nag-iyakan silang "mag-ina."

Para sa mga hindi nakakaalam, "anak-anakan" ni Vice Ganda si Ryan dahil siya ang isa sa mga unang sumuporta kay Ryan nang nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

"Kuya Vhong, noong nag-yes si Paolo sa akin, tinawagan ko agad si Mommy (Vice). Nag-FaceTime kami, iyakan kami," salaysay ni Ryan.

Proud na proud naman si Vice sa kaniyang anak-anakan. Na-touch daw siya sa naging gesture ni Ryan.

"Ako naman na-touch, kasi ako 'yong una niyang sinabihan. Sabi niya 'Wala akong ibang pinagsabihan, kahit nanay at tatay ko. Sa'yo ako magpapaalam," kuwento ng TV host-comedian.

"Siyempre gusto ko ikaw ang unang makakaalam," segunda naman ni Ryan.

Ibinida naman ni Vice Ganda kung gaano siya napa-proud kay Ryan, na napakalaki ng "development" sa kaniyang sarili. Ang laki raw kasi ng iginwapo ng TV host simula nang maging jowa nito si Paola.

MAKI-BALITA: Ryan Bang, engaged na sa non-showbiz girlfriend