July 08, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Titong si Robin, umaasang magkakabalikan sina Daniel at Kathryn

Titong si Robin, umaasang magkakabalikan sina Daniel at Kathryn
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), via MB

Nausisa raw si Senador Robin Padilla kung magkakabalikan pa raw ba ang pamangkin niyang si Daniel Padilla at ang ex-girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” nitong Sabado Hunyo 29, itsinika ni showbiz insider Jobert Sucaldito ang sagot ni Robin sa naturang tanong.

“Ang sabi ni Robin: ‘Tiyak na at the end ay magkakabalikan ‘yong dalawang ito.’ Magkakabalikan daw sa tingin niya sina Daniel at Kathryn,” lahad ni Jobert.

“Sabi niya: ‘Halimbawa lang, mabigyan sila ng pagkakataon na makapagsama ulit sa isang project, sa isang pelikula, tiyak daw damang-dama niya na magkakabalikan ‘yong dalawang ito,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

Pero bago pa man ito ay nauna nang naghayag ng pag-asa ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla kaugnay sa pagbabalikan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Rommel Padilla, umaasang magkakabalikan ang KathNiel 

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng social meda post.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na 

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn