July 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, Kapuso pa ba? Manager, may 'big plans' sa kaniya

Jennylyn Mercado, Kapuso pa ba? Manager, may 'big plans' sa kaniya
Photo courtesy: GMA Network (FB)/Jennylyn Mercado (IG)

Marami na ang nagtatanong na fans at supporters ni Jennylyn Mercado kung bakit wala siya sa latest GMA Kapuso Station ID gayong naroon ang kaniyang mister na si Dennis Trillo.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyung baka aalis na sa GMA si Jen at lilipat na sa ABS-CBN, lalo na't magkakaroon siya ng kontrata daw sa Star Music, ang music label ng ABS-CBN.

Lalo pang umugong ang espekulasyon ng paglipat dahil sa X post ng manager niya mula sa kinabibilangang talent agency na si Jan Enriquez.

Hindi direktang sinagot ni Enriquez ang mga pang-uusisa ng netizens patungkol sa status ni Jen sa Kapuso Network.

Tsika at Intriga

Huling post ni Dinky Doo bago pumanaw, dumurog sa puso ng netizens

Sa halip, pinakalma niya ang fans at supporters at sinabing may "big plans" sila para sa kaniya.

"Kalma lang bessies. We have Jennylyn’s best interest in mind and we have big plans for her. Unfortunately we cant disclose every step we make but we hope to make some announcements soon ," aniya.

https://x.com/janenriquez_/status/1806659090036429279

"Sir Jan, ganyan talaga, big star sya eh. Magkakagulo talaga kung di sya kasama sa station ID," komento ng isang netizen.

Tugon naman ni Enriquez, "Well its a good sign pa rin naman na ganyan kalaki clamor for Jen. Only shows how important she is as an actress "

https://x.com/janenriquez_/status/1806662781346918564

Giit pa ni Enriquez, "Oo naku baka magulat kayo higit pa sa inexpect nyo. Kayo talaga. Tiwala lang. Jen is family to us. Ipaglalaban namin yan hanggang dulo. Di namin papabayaan yan."

https://x.com/janenriquez_/status/1806662250473947165

Huling teleserye ni Jen sa Kapuso Network ay "Love. Die. Repeat" na pinagtambalan nila ni Xian Lim. 

Si Jennylyn ay produkto ng unang batch ng artista search na "StarStruck" na siyang itinanghal bilang Ultimate Survivor, ka-batch nina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, at iba pa. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jennylyn kung bakit wala siya sa station ID ng Kapuso Network.

MAKI-BALITA: 'Flop daw 'yong teleserye!' Jennylyn Mercado, tatawid na sa ABS-CBN?