January 22, 2025

Home BALITA

Easterlies, nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies, nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Hunyo 29, na ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ang kasalukuyang nakaaapekto sa silangang bahagi ng bansa.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang easterlies ng maulap na kalangitan na may mataas na tsansa ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito ay mataas din ang tsansang magdala ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, at Quezon.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na ma kasamang mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).