July 08, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Charlie Dizon, 'di inasahan marriage proposal ni Carlo Aquino

Charlie Dizon, 'di inasahan marriage proposal ni Carlo Aquino
Photo Courtesy: Myio Okamoto Photography via Charlie Dizon (IG)

Binalikan ng newly-wed couple na sina Charlie Dizon at Carlo Aquino ang araw kung kailan nangyari ang kanilang marriage proposal.

Sa eksklusibong panayam ng isang lifestyle magazine kamakailan,  inamin ni Charlie na hindi raw niya inasahan na aalukin siya ni Carlo ng noong nagdiriwang siya ng kaarawan sa Thailand. 

“’Di ko in-expect na magpro-propose siya do’n kasi wala pa rin kaming one year no’n,” saad ni Charlie.

Samantala, ikinuwento naman ni Carlo ang detalye tungkol sa pagpapaalam niya sa mga magulang ni Charlie para sa pinaplanong pagpapakasal.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

“Nakakatawa ’yong video call with her parents at saka sisters. So from Commonwealth going to Makati, magkausap kami. Sobrang traffic. Three hours kaming magkausap, tapos ayaw maniwala ng mom niya na magpro-propose na ako,” pagbabahagi ni Carlo.

Sabi naman ni Charlie: “Yeah. Kasi nga parang iniisip nila: ‘Are you guys sure, kasi bago pa kayo?’ But hindi ko alam lahat ’yon. So no’ng nag-propose, nakakatawa. Kasi ’yon ’yong worry ko, if alam ba ng family ko. Kasi siyempre, mag-isa ako dito sa Philippines.”

Pero bago pa man daw ito ay nakilala na raw ni Carlo ang pamilya ni Charlie. Nagkusa raw itong pumunta sa Amerika nang para magpaalam na manliligaw sa kanilang anak.

“Ta’s ’yon, do’n siya nagsabi na balak niyang manligaw. So ’yon, no’ng una, ’yon pa lang. Tapos biglang next year, nag-propose!” lahad ni Charlie.

Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Charlie at Carlo sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Hunyo 9. 

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na! 

Pero bago pa man ito ay nauna nang napag-usapan ang kasal ng dalawa sa showbiz-oriented vlog ni showbiz insider Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Kasal nina Carlo, Charlie may petsa na?