Inamin ng “Widows’ War” star na si Rafael Rosell na matagal na raw siyang kasal sa long-time girlfriend niyang si Valerie Gomez Chia.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Hunyo 27, sinabi ni Rafael na April 20, 2020 pa sila ikinasal ni Valerie sa pamamagitan ng civil ceremony.
“It’s a tough job, it’s a tough job. Pero it’s something we decided noong 2020. We signed the papers just between us noong April 20, 2020,” saad ni Rafael.
Pagbabahagi pa niya: “We have different dynamics. ‘Yong sinabi ko kasi dati na parang it used to be so easy for me to just bitawan ‘yong ‘I love you’ na three words sa mga partner ko.”
“Pero dito sa relationship ngayon parang ang hirap sabihin ‘yong totoong nararamdaman mo. Like, when you feel something so intense ang hirap palang sabihin sa totoong buhay kasi totong-totoo, e,” dugtong ng aktor.
Kaya naman, hindi sila madalas magpalitan ng “I love you” dahil tila alam na raw nila itong dalawa kahit hindi na sabihin.
Gayunman, aminado si Rafael na expressive pa rin sila sa isa’t isa sa pamamagitan halimbawa ng pagpaparamdam ng lambing.