July 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos bumisita ni Carla Abellana: Bea Alonzo, hinahanap sa 'It's Showtime'

Matapos bumisita ni Carla Abellana: Bea Alonzo, hinahanap sa 'It's Showtime'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), Bea Alonzo (FB)

Tila nagtataka raw ang mga netizen kung banned daw ba ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa noontime show na “It’s Showtime.”

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Hunyo 27, napag-usapan ang tungkol sa pagbisita ng aktres na si Carla Abellana sa naturang noontime show para i-promote ang upcoming teleserye nila ni Bea na “Widows’ War.

“Andami kong nababasa. Kasi nag-guest si Carla Abellana sa ‘It’s Showtime’ para i-promote ‘yong ‘Widows’ War’ nila ni Bea Alonzo,” saad ni showbiz insider  Ogie Diaz.

“Kaya lang ‘yong ibang netizen, nagtataka. Bakit wala raw si Bea? Banned daw ba si Bea sa ‘It’s Showtime?’” wika niya.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Dagdag pa ng showbiz insider: “O hindi ba pwedeng mag-guest si Bea sa anomang show ng ABS-CBN? Syempre hindi naman natin alam ang sagot diyan, ‘di ba.”

Pero ayon naman sa co-host niyang si Mama Loi: “Paano naman, Nay, magiging banned si Bea e di ba mayroon nga silang picture ni Meme Vice no’ng launch ng BASH Manila na bag?”

“Goods sila ni Meme,” sagot ni Ogie. “Kaya lang, itong guesting sa ‘It’s Showtime.’ Hinahanap nga si Bea. Syempre hindi naman natin alam baka hindi puwede si Bea. Baka may ibang natanguang commitment si Bea.”

“Or baka nasa abroad pa si Bea. May kasama….mga kaibigan,” hirit naman ng isa pa nilang co-host na si Dyosa Pockoh.

Matatandaang sa isang previous episode ng “Showbiz Updates” ay inispluk ni Ogie na may nakakita raw kay Bea na may kasamang lalaki sa airport.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, tinanong si Bea Alonzo kung sino raw ang lalaking kasama sa airport