Nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Barbie Imperial kaugnay sa tsika na kasalukuyan daw siyang nagdadalang-tao.
Sa isang Facebook post kasi ng “Showbizfinds” ay makikita roon ang ulat na nagsasabing umamin na raw si Barbie kay “Asia’s King of Talk” Boy Abunda na siya ay buntis at si Richard Gutierrez ang ama.
Ang nakakaloka, sa kabila ng kawalan ng matibay na ebidensya ng naturang post ay maraming netizens ang naniniwala rito at binash agad ang aktres nang hindi muna inaalam ang totoo.
Kaya sa pamamagitan ng isa ring Facebook post, pinabulaanan ito ni Barbie at umapela na tulungan siyang i-report ang naturang Facebook page.
“This page is posting lies and things that I never said. Please report. Report Showbizfinds Mga oragon patabang pls ” saad ni Barbie.
Hirit pa niya sa comment section: “Lahat ng nag-report magkaka-jowa”
Samantala, matatandaan namang namataang magkasama sina Barbie at Richard sa Singapore noong Mayo matapos lumutang ang kanilang mga larawan na tila nasa parehong lugar.
MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?