October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Ara Mina, nagsalita na tungkol sa isyu ng 'theater etiquette'

Ara Mina, nagsalita na tungkol sa isyu ng 'theater etiquette'
Photo Courtesy: Ara Mina (IG)

Nagbigay ng pahayag ang aktres an si Ara Mina kaugnay sa isyu ng theater etiquette sa Philippine Educational Theater Association o PETA.

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal noong Huwebes, Hunyo 27, sinabi ni Ara na hindi na raw kailangang palakihin pa ang naturang isyu.

“The viral thing, all I can say is, I kept quiet. Kasi, you know me naman, sa thirty years na ako sa industry, never naman kayong nakarinig na I don't have manners pagdating sa work. And, or meron akong hindi narespeto na co-workers, ‘di ba?” saad ni Ara.

“It's just, parang for me, hindi na kailangang palakihin. Kasi it's a... as far as I remember, two parts yun [play], e, may ten-minute break. It's a two-hour-and-a-half play. So, after the ten-minute break, so, normal, lumabas kami, balik,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

Dagdag pa ng aktres: "Tapos, bago mag-ano, nag-start na. And then, sumilip lang ako ng phone and yung kasama ko. It's normal na sumisilip ka ng phone, but not the entire show."

Bukod pa rito, itinanggi rin ni Ara na hindi sila gumamit ng kasamahan niya ng laptop sa habang nanonood ng theater version ng “One More Chance” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Matatandaan kasing kumalat ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "B Delgado" tungkol sa naging karanasan niya sa loob ng naturang theater center.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng PETA kaugnay dito.

MAKI-BALITA:  'Walang theater etiquette?' PETA nag-sorry sa nagreklamong naistorbo sa panonood ng play