November 25, 2024

Home BALITA National

Taga-Camarines Sur, jackpot ng ₱20.3M sa lotto

Taga-Camarines Sur, jackpot ng ₱20.3M sa lotto
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Isang lone bettor mula sa Camarines Sur ang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na ₱20.3 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi.

Sa abiso nitong Huwebes, sinabi ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination na 01-26-30-13-06-28 kaya't naiuwi nito ang katumbas na total jackpot prize na ₱20,388,114.80.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Pili, Camarines Sur. 

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprinsinta ang kanyang winning ticket.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Nagpaalala rin si Robles na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Muli ring hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.