July 06, 2024

Home BALITA Metro

Bababeng kukuha lang ng police clearance, arestado

Bababeng kukuha lang ng police clearance, arestado

Arestado ang isang babae mula sa Pasig City habang kumukuha ng police clearance. 

Napag-alaman kasing wanted ito dahil may nakabinbin itong kaso.

Kinilala lang ni Pasig City Police chief PCOL Celerino Sacro Jr. ang naarestong suspek sa alyas na ‘Tricia,’ 44, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:22 ng hapon nang maaresto ang suspek ng joint personnel ng Warrant and Subpoena Section, Clearance Section at Station Intelligence Section.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Nagtatangka umanong kumuha ng police clearance sa kanilang tanggapan ang suspek nang mabuking ng mga awtoridad na may nakabinbin siyang kaso at standing alias warrant of arrest na inisyu ni Hon. Eugenio dela Cruz, presiding judge ng Pasay City Regional Trial Court Branch 117 noong Marso 25, 2019, dahil sa kasong paglabag sa PD 1866 as amended by R.A. No. 8294 as further amended by R.A. No. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) sa hukuman.

Nagtakda naman ang hukuman ng P120,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nakapiit na ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng hukuman laban sa kanya. 

Bababeng kukuha lang ng police clearance, arestado