January 22, 2025

Home BALITA

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Occidental Mindoro

<b>4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Occidental Mindoro</b>
Courtesy: Phivolcs/FB

Yumanig ang isang magnitude 4.8 na lindol sa probinsya ng Occidental Mindoro nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:53 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 32 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa City of Tagaytay, CAVITE.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO; Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO 

Intensity II - City of Calapan, ORIENTAL MINDORO; Abra de Ilog, OCCIDENTAL MINDORO 

Intensity I - San Jose, OCCIDENTAL MINDORO; Calatagan, BATANGAS

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.