July 06, 2024

Home BALITA Politics

Romualdez sa pagtakbo bilang pangulo: 'Matagal pa 'yun'

Romualdez sa pagtakbo bilang pangulo: 'Matagal pa 'yun'
House Speaker Martin Romualdez (MB FILE PHOTO)

Hindi nagbigay ng tiyak na sagot si House Speaker Martin Romualdez nang tanungin kung may balak siyang tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2028.

"Matagal pa 'yun," sagot niya sa ambush interview nitong Miyerkules.

Gayunman, tila wala rin muna siyang balak tumakbo bilang senador sa 2025 dahil aniya ipagpapatuloy niya muna ang mga gawain niya bilang 1st district representative ng Leyte.

"Siguro, mananatili muna ako sa 1st District ng Leyte and I'll just do my work, kasi marami pang kailangan tapusin sa district,” saad pa ni Romualdez. 

Politics

Isko Moreno, time out muna sa politika