October 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Angeli Khang, Robb Quinto magpapatikim sa mga sinehan

Angeli Khang, Robb Quinto magpapatikim sa mga sinehan

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang pelikula ng Vivamax ang mapapanood na sa mga sinehan nationwide, na pagbibidahan nina Angeli Khang at Robb Quinto.

Ang Vivamax, ay nauna nang inilunsad bilang isang online streaming application sa ilalim ng VIVA Films, kung saan mapapanood ang mga "adult contents" na pelikula.

Ang pamagat ng pelikulang buwena mano sa mga sinehan ay "Unang Tikim," at mukhang may maiinit na eksena rito sina Angeli at Robb lalo't nauuso ngayon ang "Girl Love" o GL-themed na mga panoorin.

Nitong Hunyo 25, Martes, ay inilabas na ng VIVA Films ang official movie poster nito. 

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

"Hindi mo makakalimutan ang lasa ng #UnangTikim."

"Check out the Official Poster of 'UNANG TIKIM', the FIRST VMX Originals movie to be seen on the BIG SCREEN! Starring VMX QUEEN Angeli Khang, Robb Guinto, with Matt Francisco, Audrey Avila and Ms. Susan Africa. From the 'CULT' Director, Roman S. Perez Jr., DGPI!" mababasa sa caption ng Facebook post, na makikita sa opisyal na Facebook page ng VIVA.

Ang tanong na lang dito, maging matagumpay kaya ang unang patikim ng Vivamax sa mga sinehang gayong very challenging sa kasalukuyan na mapabalik sa mga sinehan ang moviegoers para manood?