Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na tatlong Duterte ang tatakbo sa Halalan 2025 para sa pagka-senador.

Sa isang panayam, sinabi ni VP Sara na tatakbong senador ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kapatid na si Congressman Paolo "Pulong" Duterte, at Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

“Lahat sila raring na tumakbo… tatlo ang Duterte next year for senator,” saad ni VP Sara sa isang ambush interview.

Matatandaang nauna nang sinabi ng ex-PRRD na wala na siyang balak pang tumakbo sa kahit na anumang posisyon.

National

Petisyong kanselahin birth certificate ni Alice Guo, inihain ng OSG

Hindi pa ibinibigay ang mga detalye kung bakit naisipan o napagdesisyunan ng mag-aama ang tumakbo sa pagka-senador.