Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Oriental nitong Linggo ng umaga, Hunyo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:11 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 60 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.