Kontrobersiyal ulit ang young singer na si Sheena Palad matapos maispatan ng mga netizen ang ‘pamimisikal’ niya sa isang contestant ng “TiktoClock” na si Rica Maer.

Sa isang X post kamakailan, matutunghayan isang video clip kung saan ay biglang tinulak ni Sheena si Rica habang nagtatanghal silang dalawa sa ‘Beat My Birit,’ isa sa mga segment ng naturang countdown variety show ng Kapuso Network.

Kung papanoorin naman ang buong performance nila sa &ab_channel=GMASingers">YouTube, may isang bahagi rin sa video na tila sinabunutan ni Sheena ang naturang contestant.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

'Young singer' na ipinalit kay Eva Darren sa FAMAS, nagsalita na

"Are they friends? Nasa script ba ang maghorseplaying while sining live?"

"Iz giving Alex Gonzaga cake-smearing incident."

"Pang karaoke"

"Even mamang @pokwang27 na off sa ginawa kasi halata sa itsura pero I'm not the right person to tell the story. Hhahaahahah"

"Halatang uhaw at hayok sa publicity tong Sheena na to. Jusko"

"Kaya ko palampasin yung shoving, pero yung saktan nya lahat ng tenga natin is unforgivable😂"

"@pokwang27 baka need mag explain! nakakabastos ung singer nio! wait singer un? hahaha di na nga kagandahan ang boses"

"That's an assault"

"Saan ba hinugot itong sheena? That is very kanal. Ate @pokwang27paki ayos"

Matatandaang nauna nang lumutang ang pangalan ni Sheena sa naganap na 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards Night matapos niyang palitan bilang presenter ang batikang aktres na si Eva Darren