Muling nagbigay ng reaksiyon ang ina ni Charice (Jake Zyrus ngayon) na si Raquel Pempengco tungkol sa kaniyang naunang reaksiyon sa pagkukumpara ng mga tao sa anak at kay SB19 lead vocalist Stell Ajero.

Matatandaang nag-trending si Stell matapos palakpakan ang naging biglaang pag-awit ng "All By Myself" sa concert kamakailan ni hitman David Foster sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na maikumpara ito sa naging performance noon ni Charice.

Kaya sey ni Mommy Raquel, "“Gulatin mo din mga tao…mag-Charice Pempengco ka ulit…hahaha joke lang pero in fairness magaling si Stell Ajero…mala-Jed Madela din but still don’t compare with Charice.”

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Sa isa pang Facebook post ay nilinaw naman ni Raquel na maging siya ay tagahanga ni Stell, kaya nang madikit ang larawan niya sa larawan nito sa ulat ng ABS-CBN News patungkol sa kanila ay talagang proud na proud daw siya.

Paliwanag ni Raquel, hindi dapat ikumpara ang dalawa dahil parehong magaling sina Jake at Stell, at magkaiba sila ng genre.

"ᴘʀᴏᴜᴅ ɴᴀ ᴘʀᴏᴜᴅ ᴀᴋᴏ ᴋᴄ ɴᴀᴘᴀᴅɪᴋɪᴛ ᴀɴɢ ᴘɪᴄᴛᴜʀᴇ ᴋᴏ ᴋᴀʏ sᴛᴇʟʟ ᴀᴊᴇʀᴏ...ɪ'ᴍ ᴀɴ ᴀᴠɪᴅ ғᴀɴ ɴɢ ɢᴇɴᴛᴏ sʙ19 sɪɴᴄᴇ ɴᴀʀᴇʟᴇᴀsᴇ ʏᴀɴ..ᴀᴛ ᴅɪ ᴋᴏ ᴀʟᴍ ɴᴀ ᴍᴇᴍʙᴇʀ xᴀ ɴɢ sʙ19...ᴀᴄᴛᴜᴀʟʟʏ ᴍᴜʟᴀ ɴɢ ɴᴀᴡᴀʟᴀ ᴀɴɢ ɪᴅᴏʟ ᴋᴏ ᴅɪ ɴᴀ ᴀᴋᴏ ɴᴀɴᴏɴᴏᴏᴅ ɴɢ ᴍɢᴀ ʟᴏᴄᴀʟ ᴍᴜsɪᴄ..ɪᴘɪɴᴀsᴀ ʟɴɢ sᴀ ᴀᴋɪɴ ᴋᴀʏᴀ ᴋᴏ ɴᴀᴋɪᴋɪᴛᴀ ᴛʜᴇɴ ɪ ᴡᴀs sᴏ sᴜʀᴘʀɪsᴇᴅ ᴡʜᴇɴ ɪ ʜᴇᴀʀᴅ ʜɪᴍ sɪɴɢɪɴɢ ᴛʜᴇ ᴍᴏɴᴇʏ ɴᴏᴛᴇ ᴀʟʟ ʙʏ ᴍʏsᴇʟғ ᴛʜᴀᴛ ᴅᴀᴠɪᴅ ғᴏsᴛᴇʀ ᴡᴀɴᴛᴇᴅ ᴛᴏᴏ ᴛᴏ ᴄʜᴀʀɪᴄᴇ ᴘᴇᴍᴘᴇɴɢᴄᴏ ɴᴏᴡ ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs ʙᴇғᴏʀᴇ..ɴᴏ ᴄᴏᴍᴘᴀʀɪᴢᴏɴ ғᴏʀ ʙᴏᴛʜ ᴏғ ᴛʜᴇᴍ, ᴛʜᴇɪʀ ʙᴏᴛʜ ᴀᴍᴀᴢɪɴɢ ɪɴ ᴛʜɪᴇʀ ɢᴇɴʀᴇ..." as is published na saad ng ina.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jake kaugnay sa muling paglutang ni Charice sa social media.

MAKI-BALITA: Nanay ni Jake Zyruz, nag-react sa ‘All By Myself’ ni Stell