Tila ayaw pa rin umanong tigilan ng Kapuso actor na si Xian Lim ang pagsasalita hinggil sa nakaraang relasyon nila ni “It’s Showtime” host Kim Chiu.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Hunyo 21, nagbitaw ng pahayag ang co-host ni showbiz insider Ogie Diaz na si Mrena patungkol kay Xian.

“Si Xian, Kuya, ginagamit si Kim Chiu sa promo ng pelikula niya,” saad ni Mrena.

Pero depensa ni Ogie: “Hindi naman sa ginagamit, Mrena. Nagkataon lang na si Xian Lim kapag ini-interview e talagang kasabay na no’n itatanong sa kaniya si Kim Chiu.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Paulit-ulit na lang!’ Kim Chiu, nag-react sa mga pahayag ni Xian Lim

“Kahit sinong reporter itatanong si Kim Chiu sa kaniya, ‘di ba. Kahit wala na silang dalawa, itinatanong pa rin. Hindi naman dinidikta ni Xian Lim sa kanila na ‘itanong niya sa akin si Kim Chiu,” dugtong pa niya.

Pangangatwiran naman ni Mrena: “Oo, pero, Kuya, pwede niyang sabihin dapat sa guesting niya na wala nang Kim Chiu question.”

Sa huli ay tila nakumbinse rin si Ogie sa inilatag na punto ni Mrena tungkol sa pagdadawit kay Kim sa mga panayam ng ex-jowa nito.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay ng reaksiyon si Kim matapos ang sunod-sunod na pahayag ni Xian hinggil sa nakalipas nilang relasyon.

https://balita.net.ph/2024/06/07/xian-lim-sa-mga-ibinabatong-paratang-sa-kaniya-i-do-not-deserve/