Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:28 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 157 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.