Usap-usapan ng mga netizen ang kalook-alike ni FPJ's Batang Quiapo lead actor-director na si Coco Martin mula sa vlog ni Lutong Kahoy mula sa Dalaguete, Cebu.

Makikita sa vlog na talagang halos kamukhang-kamukha ni Coco ang naturang lalaki na puwede nga raw ipasok na ka-double sa serye.

Wish din ng mga netizen na magkaharap ang dalawa balang-araw.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

"Coco Martin na napabayaan sa bukid"

"Hala kamukha nga!"

"Para talagang mas kamukha niya si Coco Martin kumpara sa original na coco."

"Coco Martin Pro Max."

Pero ayon sa mga netizen, edited at ginamitan lang daw ng "AI" o artificial intelligence ito at ibinahagi ang original na mukha ng lalaking sinasabing kamukha ni Coco.

Inamin naman ng uploader na sumailalim siya sa pag-eedit gamit ng AI o kilala rin ngayon sa tawag na "deep fake."

"Bat kayo na prank? Nalimotan nyo siguro mag basa ng caption," aniya matapos maraming mapaniwala.

Photo courtesy: Pagadian Market (FB)

Sa katunayan, maging ang aktor na si Derek Ramsay ay ginamit din sa deep fake.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 76k reactions, 22k shares, at 7.8k comments ang nabanggit na post.