Matapos niyang patutsadahan si Senador Bong Go, sinagot ni Davao City Mayor Baste Duterte kung iniwan na ba ng senador ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang sa isinagawang Maisug Rally sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes, Hunyo 17, binigyang-diin ni Baste na kung alam lamang daw niyang hindi titindig at magsasalita si Go para sa mga Davaoeño, hindi na lang daw sana niya ito sinuportahan noong nakaraang eleksyon.

Sinabi rin ng alkalde na mas bilib daw siya kay Hontiveros kaysa kay Go dahil “consistent” ang una bilang oposisyon ng administrasyon at hindi raw ito natatakot.

National

Baste Duterte, pinatutsadahan kumpareng si Bong Go: ‘Kung alam ko lang na ganito gagawin mo…’

https://balita.net.ph/2024/06/18/baste-duterte-mas-bilib-kay-risa-hontiveros-kaysa-kay-bong-go/

Samantala, matapos ang naturang patutsada laban sa senador, sa isang panayam na inilabas ng SMNI ay tinanong si Baste kung sa tingin niya’y iniwan na ba ni Go si dating Pangulong Duterte.

Sagot ni Baste, posible raw, dahil wala umanong makakaalam kung anong susunod na mangyayari pagdating sa politika.

“Could be, possible. You know, politics, hindi mo talaga maano–you can never guess what will happen next in politics,” saad ni Baste.

Matatandaan nagsilbi si Go, na isa ring Davaoeño, bilang Special Assistant to the President Secretary sa administrasyong Duterte.