May appreciation post ang aktor na si Zanjoe Marudo para sa kaniyang misis at soon-to-be mom na si Ria Atayde.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Hunyo 17, naglabas ng appreaction post si Zanjoe para sa ina ng kaniyang magiging anak,

Relasyon at Hiwalayan

Ria, kinumpirmang magiging tatay na si Zanjoe

“Motherhood. Our baby and I are both so lucky to have you,” anang aktor.

Nitong Father’s Day, Hunyo 16, inanunyo ng aktres na magiging tatay na si Zanjoe.

Makikita sa Instagram post ni Ria ang ilang mga larawan nila ng asawa habang nasa isang tabing-dagat. Sa pangalawang larawan, makikita ang baby bump ni Ria na kitang-kita na sa kaniyang suot na blue bikini.

BASAHIN: Ria, kinumpirmang magiging tatay na si Zanjoe

Marami ang nag-congratulate kay Ria lalo na sa mga kasamahan sa industriya ang netizen. Subalit marami rin ang nagtaas ng kilay sa “pagtanggi” raw ni Ria noon tungkol sa mga isyung kumalat na kesyo buntis na raw siya bago pakasalan ni Zanjoe.

BASAHIN: Ria sinagot pasaring ng netizen na nag-deny siyang buntis noon

https://balita.net.ph/2024/06/16/ria-sinagot-pasaring-ng-netizen-na-nag-deny-siyang-buntis-noon/