Usap-usapan ang pagtugon ni Ria Atayde sa reaksiyon ng isang netizen tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Kasabay ng pagdiriwang ng Father's Day ngayong araw ng Linggo, Hunyo 16, inanunsyo ng aktres na magiging tatay na ang mister na si Zanjoe Marudo.

Makikita sa Instagram post ni Ria ang ilang mga larawan nila ng asawa habang nasa isang tabing-dagat. Sa pangalawang larawan, makikita ang baby bump ni Ria na kitang-kita na sa kaniyang suot na blue bikini.

"To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you 🤍 Happy first Father’s Day!" mababasa sa caption ni Ria.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Marami ang nag-congratulate kay Ria lalo na sa mga kasamahan sa industriya ang netizen. Subalit marami rin ang nagtaas ng kilay sa "pagtanggi" raw ni Ria noon tungkol sa mga isyung kumalat na kesyo buntis na raw siya bago pakasalan ni Zanjoe.

Naka-limit ang comment section ng post ni Ria kaya hindi basta-basta makakapag-komento ang netizens, subalit na-screenshot ng Fashion Pulis ang naging reaksiyon ng netizen at komento naman dito ni Ria.

Sey ng netizen, "Hahahaahah...tpos ddeny png buntis!susme."

Hindi naman ito pinalagpas ni Ria at magalang pa ring sinagot, "We never denied anything, Madam. We just didn't think we owed anyone an announcement. :) thank you for the support po," aniya.

Photo courtesy: Ria Atayde (IG)

Kaya naman, ang binalikan ng mga netizen ay ang naging pahayag noon ng bunsong kapatid na si Gela Atayde sa panayam ng ABS-CBN News, na nagdedeny na buntis ang kaniyang ate bago pa sila ikasal ni Zanjoe.

MAKI-BALITA: Bakit dineny pa raw? Sagot ni Gela kung buntis ba si Ria, binabalikan

MAKI-BALITA: Mahihirapang magkaanak? Gela Atayde, pinabulaanan pagbubuntis ng kapatid

Subalit pagtatanggol naman ng fans, wala nang pakialam ang mga tao kung pagdesisyunan ni Ria o ni Zanjoe na i-delay ang pag-aanunsyo nito, na itinaon nga ngayong Father's Day.

Congratulations, Ria at Zanjoe!