Tila hindi pa rin umano naaalis sa marami ang pag-aakalang gay ang aktor na si Elijah Canlas dahil sa ilang karakter na ginampanan niya sa serye at pelikula.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Linggo, Hunyo 16, naitanong niya kung napagkamalan ba siyang gay nang gumanap siya sa “Gameboys” at “About Us But Not About Us.”

“Hanggang ngayon naman yata, Mama Ogs, napagkakamalan ako. Pero I’m fine,” lahad ni Elijah.

“I guess it’s a compliment that people believe na I’m gay or I’m from the community. Secure ako sa sarili ko, e. Alam ko kung sino ako, e,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ng aktor: “Kahit gustuhin ko mang maging part of the community, hindi, e. Kilala ko ‘yong sarili ko. I can say true to my self.”

Gayunman, nilinaw ni Elijah na hindi umano nangangahulugang may nakaaangat na gender identity. Lahat daw ay pantay-pantay lang.

At bilang ally ng komunidad, kabilang si Elijah sa mga magtatanghal sa gaganaping Pride Festival sa darating na Hunyo 22 sa Quezon Memorial Circle, Quezon City.