May 07, 2026

Home BALITA National

'Naniniwala ako sa statement ni Sen. Trillanes'—Torre

'Naniniwala ako sa statement ni Sen. Trillanes'—Torre
Photo courtesy: File Photo

Nagsalita si Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III sa naging pahayag ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hindi ang Kingdom of Jesust Christ (KOJC) founder na si Pastor Apollo Quiboloy ang may-ari ng private jet at helicopter na binili ng huli noon.

Sa naging panayam kasi sa Headstart ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Trillanes noong Abril 27, 2026, sinabi niyang napag-alaman daw nilang si Duterte talaga ang may-ari ng mga mamahaling sasakyang panghimpapawid ng nasabing pastor dahil ang dating Pangulo raw lagi ang gumagamit ng mga ito.

“Ang na-uncover namin, ‘yong mga private jet or helicopter na binibili ni Quiboloy, sa kaniya ‘yon, kay Duterte. Kasi kapag titingnan mo, mas madalas pa siyang gumamit kaysa kay Quiboloy… Kapag titingnan mo ‘yong church ni Quiboloy, it doesn’t have the capacity to raised that amount of money,” diin ni Trillanes. 

Ayon naman sa naging tugon ni Torre sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Abril 30, sinabi niyang naniniwala raw siya kay Trillanes dahil hindi na raw kailangan pang imbestigahan ang mga bagay na “obvious” o malinaw. 

“Ako ay naniniwala sa statement ni Senator Trillanes sa 30:00 minute mark. Hindi natin kailangan ng malaking imbestigasyon para makita ang obvious,” pagsisimula niya. 

National

DOH, pinatatanggal iba't ibang vape flavors sa bansa!

Ani Torre, dapat daw nakita na nila ang umano’y napakaraming followers ni Quiboloy nang mahuli niya ito ngunit hindi iyon nangyari kahit na tumagal na ng 16 na araw ang pastor sa kulungan noon.

.

“Kung talagang napakalakas at napakarami ng followers ni Quiboloy, bakit hindi iyon nakita sa ground? Noong 16 days na nasa loob tayo ng KOJC compound, nakita natin ang realidad,” aniya. 

Dagdag pa ni Torre, kahit daw noong Setyembre 1, 2024, sa selebrasyon ng ika-39 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at dinaluhan pa ito ni Vice President Sara Duterte ay umabot lang sa humigit 2,400 ang nakiisa sa nasabing pagdiriwang. 

“Sa 39th Anniversary nila noong September 1, 2024—na dinaluhan pa ng Vice President at mga kilalang personalidad sa Davao—nasa humigit-kumulang 2,400 lang ang attendees, at marami pa roon ay hakot lamang,” paliwanag niya. 

Dagdag pa niya, “Ang actual estimate ng membership nila sa Pilipinas? Malayo sa imaheng ipinapakita. At kung tunay ngang napakalawak ng impluwensya at suporta, sana walang tigil ang malalaking rally noong ipinatutupad natin ang warrant of arrest. Pero wala.” 

Pagpapatuloy ni Torre, kailangan daw minsan ng publikong maniwala sa realidad at hindi lamang puro sa propaganda. 

Buwelta pa niya, kung totoo raw na hindi marami ang kapanalig ni Quiboloy sa KOJC, saan daw nanggaling ang yaman nito. 

“Kung hindi sa dami ng miyembro nanggaling ang yaman—saan nanggaling? Iyan ang dapat sagutin,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Torre sa mga kumuha ng soft drinks sa naaksidenteng truck: 'Ito ay pagnanakaw!'