Kinuwento umano ni Veronica “Kitty” Duterte sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa mga ginagawa nina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Matatandaang opisyal nang naging miyembro ng partidong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong Miyerkules, Abril 29, 2026, si Barzaga.
Habang aktibo naman si Leviste sa pakikiisa sa mga event na isinasagawa ng mga sumusuporta kay FPRRD, partikular sa naging pakikiisa niya sa ginanap ng ika-89 na selebrasyon para sa Araw ng Dabaw noong Marso 28, 2026.
Ayon naman sa inupload na video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate sa kaniyang YouTube channel sa panayam niya kay Kitty noong Miyerkules (araw sa The Hague, Netherlands), sinabi ng huli na nabanggit niya ang mga naturang mambabatas kay FPRRD.
“I’ve mentioned them just now to my father, Congressman Leviste and Barzaga,” pagsisimula niya.
Ani Kitty, pakiramdam daw niyang nirerespeto ni FPRRD sina Leviste at Barzaga dahil tila raw kagaya ng kaniyang ama ang mga nabanggit na mambabatas.
“He’s quite fond of them because I think he respects people who are like him, outspoken and brutally honest,” aniya.
Dagdag pa niya, “He mentioned their parents kasi halos ka-batch niya [at] kilala niya.”
Personal namang komento ni Kitty, tingin daw niyang maganda naman ang mga ginagawa nina Leviste at Barzaga.
Aniya pa, higit na kailangan daw ng Pilipinas at ng mga tao ang mga batang mambabatas na kagaya nina Leviste at Barzaga na mayroong tapang upang lumaban.
“I think they’re doing well… I think they’re doing good, I think that the Philippines, the people, and the masses need more people like them,” saad niya.
“Yes they are young. But because they are young, they are more—usualy kasi kapag you’re younger, you’re braver and you have a stronger sense of fight in you,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon o reaksyon sina Leviste at Barzaga kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: 'She's not a thief!' Kitty, dinepensahan kapatid na si VP Sara
KAUGNAY NA BALITA: 'Sinusuwelduhan mga congressman para manahimik!'—Rep. Leviste