Isang magnitude 5.7 na lindol ang yumanig sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Hunyo 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:01 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 202 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 87 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II - Glan at Malungon, SARANGANI
Intensity I - City of Digos, DAVAO DEL SUR; Nabunturan, DAVAO DE ORO; Kiamba, SARANGANI; Tampakan, at T'Boli, SOUTH COTABATO
Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.