Nagbigay ng reaksiyon ang aktres na si Iwa Moto sa pagpapawalang-bisa ng Korte Suprema sa kasal ng partner niyang si Panfilo Lacson, Jr. o “Pampi” at sa dati nitong asawang si Jodi Sta. Maria.

Matatandaang ibinahagi ni Jodi sa pamamagitan ng social media post na tapos na raw ang 13 taong paghihintay niya na maipagkaloob ng korte ang ipinetisyon niyang “nullity of marriage”

MAKI-BALITA: Jodi Sta. Maria, annulled na kay Panfilo Lacson, Jr.

“Finally after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court,” saad ni Jodi sa unang bahagi ng caption.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa niya: “It was indeed a test of faith and trust -- FAITH in God’s promises and TRUST in God’s timing.”

Komento naman ni Iwa: “Let’s celebrate 🥰 love you amor!”

“We should! Pagbalik nyo ❤️” tugon ni Jodi.

Ikinasal si Jodi kay Pampi noong 2005 at nagkahiwalay sila noong 2011. Gayunman, nagkaroon naman sila ng isang supling na si Thirdy.