Naghayag ng interes ang Kapuso star at socialite na si Heart Evangelista na gumanap muli sa karakter na pinagbidahan niya sa “Tanging Ina.” 

Sa ulat ng GMA Integrated News na inilathala nitong Lunes, Hunyo 10, sinabi umano ni Heart na game daw siyang bumalik bilang “Portia” sa naturang pelikula nang tanungin siya tungkol dito.

“Yes! Marami nang narating si Portia sa kaniyang kaartehan,” saad ni Heart.

Matatandaang naiulat kamakailan ang tungkol sa bagong installment ng “Tanging Ina” matapos umanong makipag-usap ni comedy queen Ai Ai Delas Alas sa Star Cinema.

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, pinaplano ang ‘Tanging Ina’ reunion

Ngunit pagkalipas ng ilang araw ay naglabas ng video statement si Ai Ai kung saan sinabi niyang may isa umanong taga-Star Cinema na gustong ipabura ang ulat tungkol sa “Tanging Ina” reunion.

MAKI-BALITA: Ai Ai, pumalag: Balita tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion, pinapabura ng taga-Star Cinema?

Kaya naman, hindi nakapagtatakang tila nagngitngit sa galit ang comedy queen at sinumbatan ang naturang production company.

MAKI-BALITA: Ngitngit ni Ai Ai sa Star Cinema: ‘Pinagkakitaan n’yo naman ako dati!’