Lumahok sa patok na game show ng Kapuso Network na “Family Feud Philippines” ang batikang aktres na si Eva Darren.

Sa Facebook post ni Primetime King Dingdong Dantes kamakailan, makikita ang ibinahagi niyang larawan kasama si Eva sa set ng naturang game show.

“Reunited with Tita Eva Darren. Sobrang nag-enjoy po kami sa mga good answers niya sa Family Feud,” saad ni Dingdong sa caption.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Dingdong. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

"Hello po dapat ang binibigyan ng mga award mga beteranang actress hanggat nabubuhay pa sila..dahil sila maggaling 😊"

"CONGRATS DONG KASI SOBRANG T SAYA LALO SA PAMILYA KAYA SILA AY LAGING NANONOOD DAHIL MARAMING ARAL NA MAPUPULO"

"Biglang gi-nuest! hahahaha 😂"

"We had an amazing time in Family Feud, Sir Dingdong Dantes ! Salamat sa pagbibigay mo ng saya sa amin at sa mga mahal nating Kababayan...❤️🙏❤️ Sana may take 2 pa uli 😁✌️❤️"

"Class act by Dingdong Dantes & the Family Feud team."

Bukod dito, naimbitahan din si Eva para gumanap sa wish-granting program ng GMA na "Wish Ko Lang."

Matatandaang naging usap-usapan ang batikang aktres matapos niyang “mabastos” umano sa ginanap na 2024 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?

Pero agad din namang naglabas ng apology statement ang FAMAS at ipinaliwanag ang kanilang panig tungkol sa nangyari.

MAKI-BALITA: FAMAS, nag-sorry kay Eva Darren