Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging pagkapanalo ni Indian Prime Minister Narendra Modi para sa kaniyang ikatlong termino sa naturang pwesto.

“My warmest congratulations to Prime Minister @narendramodi for securing a fresh mandate from the Indian electorate,” mensahe ni Marcos sa isang X post nitong Huwebes, Hunyo 6.

Binanggit din ni Marcos ang magandang ugnayan ng Pilipinas at India sa nakalipas na dekada.

Inaasahan din daw niyang mas lalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa mga susunod na taon.

“The last decade has shown India as a sincere friend to the Philippines & I look forward to the further strengthening of our bilateral and regional partnership in the years ahead ,” saad ni Marcos.

Ayon sa mga ulat ng lokal na pahayagan, nakatakdang manumpa ang 73-anyos na Indian leader sa darating na Sabado, Hunyo 8, matapos siyang manalo sa eleksyon nitong Miyerkules, Hunyo 5.

Naging pormal naman ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at India noong 1949.