Nagpahayag ng pasasalamat si Indian Prime Minister Narendra Modi para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa naging pagkapanalo nito sa eleksyon.
Nanalo si Modi sa eleksyon para sa kaniyang ikatlong termino nitong Miyerkules, Hunyo 5, at nakatakda raw na manumpa sa darating na Sabado, Hunyo 8.
Kaugnay nito, sa isang X post nitong Huwebes, Hunyo 6, ay binati ni Marcos si Modi at binanggit din ang magandang ugnayan ng Pilipinas at India sa nakalipas na dekada.
Sinabi rin ni Marcos na inaasahan niyang mas lalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa mga susunod na taon.
Ni-retweet naman ng prime minister ang naturang pagbati ni Marcos nito ring Huwebes.
“Appreciate your warm words President @bongbongmarcos,” ani Modi sa kaniyang post.
Ayon pa sa Indian prime minister, ipagpapatuloy nila ang magandang ugnayan ng dalawang bansa para sa ikauunlad ng mga mamamayan.
“We are committed to build upon the gains of the past decade in the strategic partnership between India and Philippines. These hold immense potential for the welfare of our people and to promote regional peace and stability,” saad ni Modi.
Taong 1949 nang maging pormal ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at India.