Gusto mo bang magtrabaho at makakuha ng residence permit sa Germany?
Inanunsyo ng German Embassy in Manila ang bagong residence permit sa Germany na “Chancenkarte" o “Opportunity Card” na maaari raw gamitin para sa mga foreigner na nais magtrabaho doon.
Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 6, sinabi ng embahada na ang “Opportunity Card” ay hanggang 12 buwan na visa para sa mga foreigner na gustong maghanap ng trabaho sa Germany.
Magiging bukas daw ito sa mga skilled worker na may degree na kinikilala ng Germany at sa mga educated job seeker na kukuha ng isang “points system.”
“Recognized skilled workers need proof of full recognition of their foreign qualification in Germany,” anang German Embassy in Manila.
“Job seekers with a university degree or a training qualification of at least two years that is only partially recognized in Germany or not yet recognized need German language skills at A1 or English language skills at B2 level, as well as proof of their partial recognition or confirmation of their foreign qualification. They must achieve 6 points in the following points system,” dagdag nito.
Kaugnay ng naturang “points-based system” para sa mga may degree na hindi pa kinikilala ng Germany, sa kanilang website ay ibinigay rin ng embahada ang mga kwalipikasyon para makakuha ng mga puntos at maging kwalipikado ng “Opportunity Card.”
“If you can find a qualified job you can live and work in Germany,” saad ng German Embassy in Manila.