Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop laban sa rabies matapos na makapagtala ng 13% pagtaas sa naitatalang human rabies cases sa bansa.

Sa datos na ibinahagi ng DOH nitong Miyerkules, nabatid na mula Enero hanggang Mayo ng taon ito ay nakapagtala sila ng 169 human rabies cases.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Ito ay mas mataas umano ng 13% kumpara sa 150 kaso na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2023.

Ayon sa DOH, hanggang Mayo 11, 2024, ang Region XII (SOCCSKSARGEN) ang iniulat na  nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng kaso ng rabies na umabot sa 21.

Sinundan naman ito ng Regions IV-A (CALABARZON) at V (Bicol) na may tig-18 kaso.

Sa mga naiulat na kaso, 156 o 92% ang nakagat ng aso; 10 o 6% ang nakagat ng pusa at tatlo ang nakagat ng ibang hayop.

Mula sa 169 reported cases, nasa kabuuang 160 ang nasawi  o may case fatality rate na 94.67%.

Hindi pa naman batid ang estado ng siyam na iba pang pasyente.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DOH sa publiko na ang rabies ay maaaring maiwasan at ang pagpapabakuna ang pinakamabisang paraan upang protektahan ang mga tao at hayop mula dito.

Ayon sa DOH, "Given the high percentage of cases involving dogs and cats, it is imperative that pet owners ensure their animals are vaccinated against rabies at 3 months old and every year thereafter. This not only protects the animals but also significantly reduces the risk of transmission to humans."

“Rabies is a viral infection that can be transmitted to humans through animal bites or even scratches, most commonly by dogs and cats. Death caused by rabies is inevitable once infection begins, that's why we urge all pet owners to be responsible and get their pets vaccinated against rabies. This not only protects the animals but also significantly reduces the risk of transmission to humans. With this, we can eradicate rabies towards our journey to a Bagong Pilipinas kung saan Bawat Buhay ay Mahalaga,” paalala naman ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.