Kinumpirma ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang pagtakbo umano ng aktor na si Marco Gumabao bilang congressman sa district 4 ng Camarines Sur.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado, Hunyo 1, sinabi ni Ogie na madalas daw pumunta sa mga bara-barangay ng naturang lugar si Marco.

“Confirm nang tatakbo bilang congressman sa district 4 sa CamSur ang gwapong aktor. Itago natin siya sa pangalang Marco. [...] Kasi nga madalas siyang bumababa-baba sa mga barangay,” saad ni Ogie.

“Taga-roon din naman ang mga Imperial, ang mga Gumabao. Si Marco Gumabao. Siya ay nagbababa na doon. Noon pa naman,” aniya.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Dagdag pa ng showbiz insider: “Kasi ang alam kong dating kuwento ni Marco sa akin, noon pa niya pangarap na maging isang public servant.” 

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si Marco para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang balita.