Iminumungkahi ni Sen. Win Gatchalian ang posibleng pagsailalim sa DNA testing ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang magkaroon na ng linaw ang kaniyang pinag-uusapan at kontrobersiyal na totoong citizenship.

Kamakailan lamang ay sinabi ni Gatchalian na nahanap na nila ang sinasabing tunay na ina ni Guo na isang Chinese national.

Kung Chinese din ang tatay ng mayora, malinaw na isang Chinese din si Guo. Sa batas, ipinagbabawal ang pagtakbo o pagiging pinuno ng bayan ng isang non-Filipino.

“Napakadaling mag-imbento ng kuwento kaya ang pinakamaganda ngayon ay mag-DNA silang dalawa para mapatunayan na itong mga lumalabas na impormasyon ay hindi totoo,” pahayag ng senador sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sinasabing ang biological mother ni Alice ay si Wen Yi Lin, na ayon daw sa mga kapitbahay sa village na tinutuluyan ni Guo, ay kilala ng mga residente bilang ina nito.