Ibinahagi ni “It’s Showtime” host Kim Chiu ang kuwento sa likod ng bed scene nila ng co-star niyang si Paulo Avelino sa Filipino adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Sa panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Biyernes, Mayo 31, inamin ni Kim na ang naturang eksena ang pinaka-intense niyang ginawa sa buong career niya.

“Mahirap syempre. Sobrang hirap. Parang ‘yon na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career. ‘Linlang’ pala. Pero second ito [‘What’s Wrong With Secretary Kim’],” saad ni Kim.

Matatandaang kamakailan ay tila naloka at nawindang ang mga tagasubaybay ng naturang serye nina Kim at Paulo dahil sa maiinit nilang eksena.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

MAKI-BALITA: Kim hinigop na, minukbang pa ni Paulo

Pero bago pa man ito ay nauna na silang patikimin nina Paulo at Kim sa kissing scene ng dalawa sa loob ng cabinet.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, nahiya at kinabahan sa tukaan nila ni Paulo Avelino

MAKI-BALITA: Kim sa ‘tukaan’ nila ni Paulo: ‘Baka ‘pag inulit-ulit, kami na!’