Binati ni Senador Imee Marcos ang kaniya raw “BFF” na si Vice President Sara Duterte na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Biyernes, Mayo 31.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Marcos na tinuturing niya si Duterte bilang isang kaibigan at “kasanggang tunay.”

“Happy Birthday sa aking BFF at kasanggang tunay, VP Inday Sara Duterte! ,” mensahe ni Marcos kay Duterte.

Ngayong Biyernes ipinagdiriwang ng bise presidente, na nagsisilbi ring kalihim ng Department of Education (DepEd), ang kaniyang ika-46 na kaarawan.

National

PBBM, may mensahe para sa kaarawan ni VP Sara

Kaugnay nito, nagpaabot din pagbati ang kapatid ng senadora na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para kay Duterte.